Thursday, October 1, 2015

PINAKA-HEALTHY NA PRUTAS (SAGING)

SAGING (BANANA)
PANGHIMAGAS

 Ang pinaka-healthy na prutas sa mundo.  Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napa?ka?ganda ng lalagyan. Tala?gang ginawa ng Diyos para kainin.
May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong pakakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magka?karoon ng leukemia. Para sa stress at pang-relax – Alam ba n’yo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha, mag-saging ka na. maari ka pang gumawa ng iba't ibang panghimagas gamit lang saging. 

Mga benipisyo na makukuha sa isang saging. 

Calories: 88 calories, 
Vitamin A: 430 I.U., 
Vitamin B: Thiamine .04 mg.,
 Vitamin C: 10 mg.,
 Calcium: 8 mg.,
 Iron: 6 mg., 
Phosphorus: 28 mg.,
 Potassium: 260 mg.,
 Carbohydrates: 23 grams,
 at Protein: 1.2 mg.

1. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
2. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.
3. Parang multivitamin — Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw.
4. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.
5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.


-JELYN GILA

No comments:

Post a Comment