Nang ibigay sa akin ang topic na ito (which is healthy foods), naisip ko agad na magsaliksik ng mga pagkain na masustansiya para sa mga estudyanteng kagaya ko at ang mga sumusunod ang aking natuklasan:
1. Ang pagkain sa almusal ng itlog na mayaman sa protina ay nakakatulong sa pagkakaroon ng mental alertness at ang paginom ng isang tasang kape ay nakakapagpabuti ng focus at atensyon ng tao.
2. Samantalang importante ang pagkain ng tamang dami sa pananghalian o hapunan upang hindi antukin ng makapag-aral. Maaring kumain ng kanin, isda na mayaman sa protina at gulay na mayaman sa fiber.
3. Pwede namang gawing merienda ang nilagang saba at maging conplete dahil mayroon itong bitamina A, B, C, calcium, iron, phosphorus, potasium at proteins.
Ilan lang yan sa mga masusustansyang pagkain na kayang kaya ng ating budget. Kung gusto nyo pa ng iba, pwede naman basta tandaan, lahat ng sobra ay masama, ang masasarap ang siyang masasama (halimbawa: crispy pata), lahat ng mabilisang luto ay di maganda katulad ng fast foods.
Para sa iba pang life blogs, maari lang pong ifollow ang aking twitter account @CriseldaGuinto.
Ang inyong lingkod,
Criselda Guinto
No comments:
Post a Comment