Monday, October 5, 2015

SALUYOT: Pagkaing Masustansya


Mataas ba ang kolesterol mo?
Ang pagtaas ng kolesterol ay isang sanhi ng hindi wastong pagdadayet. Ang pagdadayet hindi ay ibig sabihin pagbawalan sa lahat ng anumang pagkaing mayroong kolesterol kundi ang wasto at pantay-pantay na mga vitamina at mineral na nakukuha natin sa mga pagkain na ating kinakain sa pang araw-araw.
Kaya mayroon ako maikling tip upang maging malusog at masigla sa araw-araw na Gawain.
Pagkain ng mga masustansya katulad ng gulay ,partikular ang SALUYOT.
Ang mga gulay-dahon ay may mataas na antas ng ‘lutein’, isang kemikal na napag-alamang nakakababa ng LDL cholesterol o “bad cholesterol”. Syempre, bukod sa lutein, madami pang ibang taglay na sustansya ang mga berdeng gulay at ang pinagsasamahang epekto ng mga ito ang dahilan kung bakit natin nirerekomenda ang mga gulay na ito. Ugaliing kumain ng gulay sa tanghalian at hapunan. Kainin ito sa umpisa pa lamang ng kainan. Pinakamabisa ang mga gulay na ito kung sariwa o ilalaga lamang ng kaunti.


Ni Marilyn Beato

No comments:

Post a Comment