Wednesday, October 7, 2015

introduction

Para sa ating lahat, masustansyang pagkain ay dapat nating ugaliin.Sapagkat sinasabi na ang kalusugan ay ang ating kayamanan. Ito ang nkakakapagbigay sa atin ng lakas upang magawa ang mga bagay na dapat nating gawin sa araw-araw. Sa paglipas ng panahon ang pagsibol ng moderno at makabagong panahon kasabay nito ang pagbabago sa ating mga kinakain na kadalasan ay nakakasama sa ating kalusugan ang nagiging sanhi ng ating pagkakasakit ngunit kapag tayo ay naging balanse sa pagkain ng masusutansyang pagkain makakabawi ang ating katawan at makakaiwas sa maga sakit. Hindi masamang kumain ng mga gustuhin nating pagkain ngunit kung atin itong lilimitahan at maka ugaliang kumain ng mga prutas at gulay ay magiging malusog at masigla ang ating pangagatawan. Ang pagkain ng mga prutas at gulay ay mayaman sa protein,fiber,calcium, na nakakapagpaganda ng ating kalusugan.
Kung hindi mo alam kung saan magsisimula pagdating sa paggawa ng masusutansyang pagkain na pagpipilian, kami ay nakakalap ng sama-samang 10 masusutansyang pagkain na sariwa't napapanahong. at kung ikaw ay nghahanap para sa mga pagkaing masusutansya na maaring makatulong sa pagpapanatili ng malusog at masiglang pangagatawan narito sa ibaba ang top 10 delicious food na maari mong kainin.

-Zaldia Solinap

1 comment: