Tuesday, September 29, 2015
Kamatis at Abokado
Kamatis – Ang kamatis ay mataas sa lycopene na tinatawag na anti-oxidants. Pang-alis ito ng dumi sa ating mga selula. Ang ketchup at tomato sauce na galing sa kamatis ay mainam din. Ang kamatis ay makatutulong din sa pag-iwas sa mga kanser.
Abokado – Ang abokado ay may taglay na good fats at healthy oils. Dahil dito, nakatutulong ito sa pag-iwas sa sakit sa puso at istrok. May sangkap din itong vitamin B6 at vitamin E na pampakinis ng ating balat. Para hindi kumulubot ang mukha, kumain ng abokado.
Mga prutas na nag tataglay ng bitamina at nakatutulong sa ating pangangatawan, ito ang dalawang prutas na nagtataglay ng masustansyang elemento sa ating katawan.
Umpisahan nating kumain ng mga pagkaing masustansya, ng ang buhay natin ay maging masagana.
Dexter Y. Cruz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment