Friday, October 2, 2015

Gatas at Keso


Gatas, at Keso


Ang gatas ay parte na ng ating pang-araw-araw na diyeta sa loob ng ilang daang libong taon. Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang klase ng bitamina at mineral na kailangan ng kalusugan. Ang gatas ay isang kumpletong pagkain. Ayon sa matatanda, bagaman masarap na inumin ang gatas kapag mainit, ito ay hindi dapat na pakuluin ng matagal dahil nagbabago ang enzyme structure nito. Alam ng karamihan na gatas ang pangunahin pinagmumulan calcium. Ang isang tasa ng gatas ay maaaring maglaman ng hanggang 250 mg na Calcium. 
Mahalaga ang pag-inom ng gatas, dahil ang gatas ay mayaman sa minerals, calcium at phosphorous na kailangan ng ating katawan para magkaroon ng matibay na buto, ngipin at muscles. Mayaman din ito sa protina ay may mga bitamina gaya ng vitamins, A,B, and D at lahat ng ito ay nakakatulong sa ating kalusugan. 



Ang keso de bola ay kulay dilaw at mayroong elastikong karakter. Nagmula ito sa pagpoproseso ng gatas ng baka sa loob ng labingpitong linggo. Kilala rin ito sa mga bansa sa Latin America. Mayroon itong banayad na lasa at naging mas maalat sa pagtagal ng pagkakaimbak. Madalas din itong naihahalintulad sa iba pang uri ng keso gaya ng Gouda. Kadalasang hinuhulma ito sa mga bolang tumitimbang na isang kilo o higit pa at binabalutan ng kulay pulang paraffin. Ang keso de bola sa Olanda ay binabalutan upang maipagbili at nailuluwas. Ang edam ay pinahihinog ng halos 17 mga linggo at binabalutan ng itim na pagkit, sa halip na pula o dilaw. Dahil sa edad ng kesong ito, nailalakbay ito na hindi kaagad nasisira o napapanis. Dahil dito, at sa iba pa nitong mga katangian, naging pinakatanyag na keso ito sa pagitan ng ika-14 at ika-18 daantaon. Bantog ito sa Hilagang Amerika, mga bansang Nordiko, at iba pang mga bansa sa mundo.  Isa ring produkto na maaring makuha sa pinrosesong gatas ay ang keso. Maaaring makakuha ng hanggang 330mg na calcium mula dito.

- GEMARIE DIADULA

1 comment:

  1. Ncaa Over Under In Football - Shootercasino 메리트 카지노 고객센터 메리트 카지노 고객센터 m88 m88 5553La Clippers Betting Odds - Football | fbcasino.com

    ReplyDelete